Isa ako sa mga sawing palad na may crooked teeth =.= Jeez inggit talaga ko sa mga taong ang ganda ganda ng smile, tapos cute pa kakakilig <3
Anyways, takot ako sa dentista nung bata pa ako. Ayoko talaga sa kanila, isipin mo pupunta ka sa kanila eh masaksaktan ka lang naman. Ang una kong alaala sa pag punta sa dentista ay nung naging super rabbit ako. Yup super rabbit ang tawag ko dun sa kondisyon ko dati na yung milk front teeth ko eh naabutan ng pagtubo ng permanent front teeth. Ayun so may apat na ipin sa unahan, ang panget. Napilitan ako magpabunot nun at syempre ang walang kamatayang suhol nga mga magulang at dentista ay kakain ka ng ice cream pagkatapos neto. Okay sige mahirap naman kasi humirit ng ice cream pag bata kesyo ah basta.
Sa pamilya namin nagkaroon ng dalawang dentista, yey makakatipid ng bongga >:)Ng maging dentista na si Ate Mira (father's side) ayun sya na ang official dentist ng bong angkan. Kaya lang nung mag-asawa na sya nag migrate na sya, pero buti na lang meron pang isang kapamilya na ngdentista.
Si Kuya Doc, ortho din sya isa ako sa mga naging unang pasyente nya actually nag-aaral pa rin sya nung mga panahon na kabitan ako ng braces. Lampas tatlong taon din akong naka-braces. Sa una lang naman masakit eh pagkatapos makakain ka na rin ulet ng bongga. Sa ngayon wala na akong braces, in fairness naman umayos ang ngipin ko.
Ngayon naka-retainers na ko, kaya lang ang sakit talaga eh. Tapos kelangan mo rin i-brush pag katapos mo kumain tapos mas matagal mo pa isusuot kesa sa braces T___T
Hay naku para sa kaaya-ayang itsura tiis =.=
No comments:
Post a Comment