Sunday, January 30, 2011

Palayaw

Pangalan. Sa tingin ko eto na yata ang bagay na hindi mo matatakasan pang habang buhay. Kung babae ka at nagpakasal ka na, magbago man ang apelyido mo dahil sa taong pinakamamahal mo yung pangalan mo di naman magbabago. Gamit ang pangalan mo mahuhukay mo ang kasaysayan ng mga ninuno mo, malalaman mo rin kung may dapat kang ipagmalaki or ikahiya dahil dyan sa pangalang taglay mo.

Anyways, magtungo na tayo sa purpose ng entry na to... Aminin mo man at sa hindi ayaw natin na tinatawag tayo sa buo nating pangalan. Ako ayoko talaga kasi feeling ko pinapagalitan ako lalo na kung malapit sayo ang gumagawa neto. It's either ngayon lang tayo nagkakilala or hindi talaga tayo close kaya mo ako tinatawag sa buo kong pangalan.

Masyado na ata akong maraming palayaw dahil na rin sa mga taong nagmamahal sa akin :)
Natatandaan ko pa na yung lolo ko sa ama may kakaibang tawag sa akin, "Paiyo", pati tatay ko eto tawag sakin noong bata pa ako. Hindi ko na alam ang dahilan kung baket ako natawag ng ganito. Nang magsimula ako mag-aral lahat ng pambobola ng mga relatives ko narinig ko na, "ayan matalinong bata yan blah blah blah". Natatandaan ko pa ng binibigyan kami ng jollibee lunch ng magulang namin tuwing may 100 kami sa exam nung elementary. Oh sino ba namang hindi magpapakasipag pag ganyan ang suhulan. Nabigyan pa ko ng palayaw na "Pet" sa pamilya namin dahil sa madalas na pagkain namin sa jollibee ng tatay ko. Tama ka "pet", yung madalas na tawag sa mga alagang hayop. Kung alam lang nila kung ano kapalit ng jollibee kiddie meal na yun! Dugo't pawis na yun para sa isang bata.

High school days namin, ayan dito na nagsimula ang "Erin". Dati gusto ko pa na Gerald ang itawag sa akin pero may magiging kapangalan ako so hindi pwede. Sa pagkakatanda ko si Steff ang unang tumawag sakin nyan eh. Sabihin ng malayo sa totoo kong pangalan pero yang apat na letra na yan eh nasa pangalan ko pa rin :p


After graduation sa college, dito na gumulo ang buhay ko, i mean ang mga nicknames ko.. Sa una kung trabaho, may activity kami create your superhero as in life size eto pero gawa lang naman sa papel. So ayun sinukat sakin at naging "Super" na yung nickname ko. Ay hindi lang "Super", "Super Ger" ung Ger naman nanggaling sa isa naming mentor dahil Ger ang tawag nya sakin sa klase.

Lumipas na ang mga taon, kasabay din neto ang evolution ng nicknames ko...
Meron akong badingding na housemates, ng "Super" naging "Uber", "Ubie", "Ubs", hmm di ko na maalala ng iba o baka nga may nakalimutan pa ako eh..

So ayan na, kung ano man ang tawag mo sakin sa palagay mo sasabi ko kung gaano ka kalapit sa puso ko :D

1 comment:

  1. pwede bang gumawa ng bago? zuverger. :p hahaha! hi uberd! :)

    ReplyDelete